[ad_1]
Ano ang pantangi at pambalana at mga halimbawa sa pangungusap.
PANTANGI AT PAMBALANA – Ano ang mga pangngalang pantangi at pambalana at ang mga halimbawa nito sa pangungusap.
Ang mga uri ng pangngalan ay Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana. Ang pangngalan o noun ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at marami pang iba.
Pangngalang Pantangi ang tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari at ginagamitan ito ng malaking titik sa simula. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
- Mongol
- Hermes
- Nike
- Gucci
- Channel
- Chow-chow
- Shi Tzu
- Pug
- Lucena Metropolis
- SM Mall of Asia
- Manila
- Laguna
- Rizal Park
- Luneta
- Quezon
- Laguna
- Cavite
Ito ang ilan sa mga halimbawa sa pangungusap:
- Marami kaming alagang Shi Tzu sa bahay.
- Pinapatawag ako ni Mrs. Castro tungkol sa nangyari kahapon sa college grounds.
- Papunta ako ng Cavite ngayon upang bisitahin ang aking lola.
Ang Pangngalang Pambalana naman ay tumutukoy sa mga ngalang di tiyak o para pangkalahatan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
- bag
- aklat
- lamesa
- kahon
- bote
- guro
- doktor
- babae
- lalaki
- mag-aaral
- pulis
- magsasaka
- lolo
- lola
- ate
- kuya
- tiya
- tiyo
- nars
- magsasaka
- lapis
Ito ang ilan sa mga halimbawa sa pangungusap:
- Hindi ko siya kilala pero siya ay isang nars sa ospital na nasa kabilang bayan.
- Anong mall kaya ang magandang pasyalan sa Linggo?
- Marami akong aklat sa bahay, ano ba ang nais mong basahin?
Paghahambing sa pangngalang pantangi at pangngalang pambalana:
PANTANGI | PAMBALANA |
Ivan | Tao |
Mongol Pencil | Bagay |
Golden Retriever | Hayop |
Negros Occidental | Pook |
Masskara Competition | Pangyayari |
READ ALSO:
What are you able to say about this? Tell us!
For extra information and updates, observe us on Twitter:@philnews_ph Fb: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.
remark(s) for this put up “Pantangi at Pambalana Kahulugan, Halimbawa Sa Pangungusap”. Inform us what you suppose abut this put up by leaving your feedback under.
[ad_2]
Source link