[ad_1]
Ilang mga halimbawa ng tono sa tula. Alamin dito!
HALIMBAWA NG TONO SA TULA – Alamin ang ilang mga halimbawa ng tono sa tula – anapora, epipora, aliterasyon, at paghihimig.
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na masining at nagloloob ng mensahe at damdamin ng manunulat. Ito ay might iba-ibang anyo at nagagamitan ng maraming estilo. Gumagamit ito ng mga maririkit na mga salita, mga matatalinghaga, at sa kadalasan, mga tayutay.
Ang isang tula ay binubuo ng isang saknong kung saan ang bawat saknong ay binubuo ng mga taludtod. Maraming anyo ang isang tulad ng malayang taludturan, tradisyonal, might sukat na walang tugma, at walang sukat pero might tugma.
At isa pang kumu-kumpleto sa isang tula ay ang tono o ang paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod. Ito ang nagbibigay indayog sa isang tula na karaniwan ay pataas o pababa.
Ito ang ilang mga halimbawa na nakakalikha ng tono sa isang tula:
- Anapora (kapag ang salita sa unahan ay inuulit sa bawat taludtod)
Halimbawa:
Kailan ang tamang panahon?
Kailan malalaman kung ito ay tama at wasto?
Kailan darating ang panahong ito?
Kailan matatamasa ang tama sa panahong ito?
- Epipora (kung ang salita sa dulo ay inuulit sa bawat taludtod)
Halimbawa:
Saan, kanino, at kailan makikita ang ganyang pagmamahal?
Ang tunay na pagmamahal
Ang walang sawa na pagmamahal
Ang walang hanggan na pagmamahal
- Aliterasyon (kung ang tunog ng mga salita sa bawat taludtod ay inuulit, ito ay might dalawang uri – ang asonans at konsonans)
Halimbawa:
Asonans – Makikita sa mga mata ni Mario na masaya siya sa mga mangyayari.
Konsonans – Ang pagmamahal ko sa kanya ay lalong tumatatag habang tumatagal.
- Paghihimig (paggamit ng mga tunog sa salita)
Halimbawa:
Pagdagundong ng malakas na kulob.
Mahinang kalampag ng pinto.
Mabining lawiswis ng sumasayaw na mga kawayan.
Sa kabilang banda, ang ilan sa mga uri ng tula ay tulang liriko, tulang pandulaan, tulang pasalaysay, at tulang patnigan.
READ ALSO:
What are you able to say about this? Tell us!
For extra information and updates, observe us on Twitter:@philnews_ph Fb: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.
remark(s) for this submit “Halimbawa Ng Tono Sa Tula – Ano Ang Mga Tono Ng Tula?”. Inform us what you suppose abut this submit by leaving your feedback beneath.
[ad_2]
Source link